WWW.DIRECTED-BY-ILAYA.BLOGSPOT.COM


Lilipat na ko.

www.directed-by-ilaya.blogspot.com

Kita kita.



sinulat ni ilaya ng 12:22 am; Sunday, May 21, 2006
Make a comment  

Acknowledgments (The Blog Edition)


Kung may oras at sipag lang, ito sana ang nakalagay sa "Thank you very much, really now" (o "Acknowledgments" kapag ordinaryong araw) ng thesis ko.

Kay Mama at Papa. Para sa inyo ito.

Kay Mama at Papa ni Leo, at kina Ate Leng at Ate Rhana. Sa sobrang kabaitan. At sa hot chocolate at sa pa-baong 7-11 na hotdog.

Kay Ms. Kathlyn Pike, sa paniniwala nung hayskul, at sa pag-iba ng mababaw na ambisyon kong ma-interview lang si Ralph Rivera. Kundi, baka grumadweyt akong Broad Comm.

Kay Ma'am Anne de Guzman, definitely my best professor in UP Film Institute. Ang pagkuha ng Film 112 nyo ang isa sa mga pinaka-tamang nagawa ko, matapos makakuha ng 2.5 sa Film 100 kay Sir D**** (wala siyang puwang sa Acnowledgements ko. Bitter). With every film I do, I always want to make you proud.

Kay Sir Quark, salamat po sobra. Nakakataba ng puso. At Sir Astro, salamat po sobra. Nakakataba din po ng puso. (Ay pareho lang pala. May "din" lang yun iyo.)

Kay ES, Dohna, Ayn, Frances, Icang, Bebs, at sa UP CINEMA. Salamat sa paniniwala, sa suporta, at sa pagkakaibigan. At sa pagpayag maaligaga kahit alas-tres ng umaga at OA na kami.

Kay Tetel, Mace, KE at sa Team Bugsy. Salamat sa tiwala. (Enter "High School Life.")

Kay Lakay. Oy.

Kay Leo. (*Wala akong masabi. Naka-ilang type at backspace na'ko.*) Bleh.

(Kung may makalimutan, ieedit balang araw. Hindi naman ito ipapa-bind.)



sinulat ni ilaya ng 11:32 am; Tuesday, April 11, 2006
Comments (3)  

Kung Paano Hindi Gumamit ng Endnotes, Atbp.


"Ano'ng gusto mo maging paglaki mo?" tanong sa'kin (na siguro'y six years old pa lang nun) ng isang bisita sa bahay.

 

At buong kasiguraduhan kong sinabi, "Gusto ko pong maging architecture." (Inuulit ko, ako ay six years old pa lang niyan).

 

At napatingin na lang ang bisita.

 

* * *

 

At sa loob ng maraming buwan, ang pangarap ko sa buhay ay maging isang magaling na architecture. (Ito kasi ang kurso nun ng aking pinsan na nakikita kong gumagawa ng rubber miniature buildings.) At ni isa sa mga nagtanong sa'kin, walang naglakas-loob na magsabi ng "Hija, maniwala ka sa'kin, never kang magiging isang architecture." Sabagay, ang hirap nga namang paguhuin ang pangarap ng isang six-year-old. At sure na sure pa.

 

Pero nang sa wakas ay nalaman at natanggap kong hindi nga ako magiging isang architecture ever, ayoko na ring maging architect.

 

* * *

 

Nung nagpunta kami ni Bebs sa Ateneo para magpasa ng entries sa Ateneo Video Open 2006, nagtanong kami sa Butihing Gwardiya.

 

"Kuya, alam n'yo po kung saan yung Gonzaga Hall?"

 

Napatigil si Butihing Gwardiya. Nag-isip. Nag-isip uli.

 

"Gonzaga Hall?" ang tanong ni Butihing Gwardiya.

 

At napatigil uli. Nag-isip. Nag-isip uli.

 

Tapos biglang sabi: "Pa'no nyo nalaman na sa Gonzaga Hall kayo pupunta?"

 

Kamusta ka naman, Kuya?? E sa alam namin e! Ano pong gusto n'yong sabihin namin, "Kuya, hindi po namin alam kung saan kami pupunta. Saan po yun?"???

 

* * *

 

Kwento ni Earl, kapatid ni Glenn. Sa prom daw nila, may kaklase siyang nag-effort na mag-all-white ang moda. Ang polo, white. Ang undershirt, white. Ang americana, white. Ang pantalon, white. Ang sapatos, white. Ang medyas, white.

 

Hindi siya nanalong best dressed.

 

* * *

Andami ko nang naging gusto maging. Glassblower. Potter. Teacher. Taga-gupit ng buhok. Shoe designer. Clock designer. Umbrella designer. Bokalista ng banda. PBA courtside reporter. Interior designer. Architect. Architecture

 

Pero ang pinaka-sineryoso ko, maging isang direktor.

 

At alam kong, kapag nawalan ako ng gana at pakialam, lalo pa ngayon, lagot ako.

 

Ayokong maging parang six years old uli.

 

* * *

 

"Oo naman. Mataas," sabi niya kay Ilaya.

 

At ganun na lang, biglang oks na. Oy, ditto.

 

* * *

 

Hindi na ako lagot.

 

* * *

 

"Ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo / Matakot sila sa'yo."

                --Wag Kang Matakot, Eheads

 

"Andito ka ay ayos na."

                --Pare Ko, Sila Rin

 

*Hi kay Ms. Kathlyn Pike, ang unang tao (bukod sa pamilya) na nadama kong naniwala talaga sa'kin nung hayskul sa klase kong Video Production Elective.

**Hi din sa mga mag-dedefend ng kanilang film thesis sa March 22. Definitely going to be one of the best thesis defenses in recent UPFI history. Naks.

***Uy, hindi na ako lagot!



sinulat ni ilaya ng 07:40 pm; Wednesday, March 08, 2006
Comment (1)  

(Here's your chance to think of your own title)


Napadaan kami nina Mama at Ruanne (na ngayon ay four years old na) sa isang pagawaan ng mga lapida.

Tanong ni Ruan, "Ano yung lapida?"

Sagot ni Mama, "Yung nasa sementeryo, yung nilalagay sa puntod."

"Aaaah," napangiti si Ruanne. "Yung kandila?"

* * *

(May sinulat ako dito pero binura ko pagkatapos basahin nang tatlong beses. Hindi kinaya ng count one to ten sabay tingin sa taas.)

Terramycin, kapag hindi ka umepekto, idedemanda kita.

* * *

Para sa cinematography exercise ko na all kids go to heaven, kinuha ko si Ruanne bilang artista. Ang gagampanan niya, isang batang nakikipaglaro ng chess, at naiinis siya kasi ang tagal tumira ng kalaban niya. Ang kalaban niya, si Katya. Si Katya ay isang stuffed toy.

Ang linya niya (pagkatapos niyang sabihing, "Your move na!" kay Katya): "Alam mo ba ang ibig sabihin ng 'Your move'??"

Sabi ni Ruan, ang bilis daw. Bagalan ko daw. Edi bagalan.

"Sige Ruan a, sasabihin ko, tas ulitin mo," sabi ko. "Alam mo ba..."

Ruan. "Alam mo ba..."

"...ang ibig sabihin..."

"...ang ibig sabihin..."

"...ng 'your move'?"

"...ng 'your move'?"

"Ayan Ruan, bilisan naman natin," sabi ko, optimistic. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng 'your move'?"

"Hinde."

Hinga, hinga. Four years old lang yan. Beinte uno ka na.

* * *

Silang isa sa pinaka-nagpakulay ng OPM na nagsabing "Mahal kita / Mahal kita / Hindi ito bola" ay may concert na sa March 11, Sabado, 8:30pm sa SM Megamall Cinema 3. Ang tickets, P600, P800 at P1000. Ito na yata ang huling concert nila sa Pilipinas bago pa masundan. Patulak na sila sa Australia, pero babalik pa rin naman. Di ko nga lang alam kung kelan. Di kami close eh.

Hindi nga pala si Yasmien Kurdi yan a. Utang na loob.

* * *

Isang malaking salamat sa mga tumulong sa 1st Shooting Day ng Pinakamgandang Pelikula. Salamat. Ay nasabi ko na pala. Pinakasalamat sa thesis partner ko, at congrats sa'yo Leo sa pagkapanalo ng Piso sa Gawad CCP. Sabi na eh.

* * *

Nabasa ko ang inemail ng prof ko. At syet, na-miss ko ang 2nd year 2nd sem, at ang 3rd year 2nd sem, at ang piling bahagi ng 4th year 1st sem.

Ang babaw, pero napaluha ako. At naisip ko, hindi pala mababaw. Para sa akin.

* * *

"Hindi ko tinatanong sa'yo kung alam mo ang ibig sabihin ng your move! Pinapulit ko lang sayo: 'Alam mo ba ang ibig sabihin ng 'your move'?'"

"E hindi nga!"

* * *

"Baby, baby, baby, baby."
--It's All Coming Back, Celine Dion

"Hindi ko alam / kung bakit ka ganyan."
--Jim, Buboy at Danny kay Ilaya
 



sinulat ni ilaya ng 11:35 am; Friday, February 24, 2006
Comments (4)  

O Juan Alcazaren at Ugu Bigyan, ilayo nyo po ako kay Pong Pagong


"Kay huhusay gumuhit / kay husay ng kamay
Kay sisipag umukit / kay husay mag-kulay.
Salamat sa inyong lahat / kami ay natutuwa
sa padala ninyo / sa pagdala ninyo
kami'y tunay na humahanga. Weeeee!"
          --Theme from Batibot, Send your Drowing portion (oo, si Pong Pagong yung nag-weeee)

Isa ako sa mga na-goyo nina Ate Siena at Kuya Bodjie na magpadala ng drowing para makita sa TV. Ang dinrowing ko, bahay kubo, tas may puno. Tas ang pamilya ko. (Nilagay ko pa ang mga pangalan sa bawat ulo. Naninigurado lang. Baka may magtanong e.)

At sa bawat araw, bago matapos ang Batibot, pinaka-inaabangan ko ang mga drowing na napili. Hindi ang "pa-pa-pa-palaisipan" o ang "da-da-da-isda." Slight lang.

Ang masasabi ko lang, masakit mabigo kapag pinagpaguran mo ang pagkulay sa kubo nang walang lampas.

May araw ka rin Pong Pagong.

* * *

Bumisita ako sa 4th floor ng Megamall, ang pinakapaborito kong mall (kahit na malagkit ang sahig ng mga sinehan nila), para sa aking pabugsu-bugsong pa-artist na moda. At gaya ng laging nangyayari, hay.

Sa isang gallery, ang tatlong dingding nila, puno ng maliliit na paintings na iba't ibang artists. Kasing laki lang ng short bond. May oil. May acrylic. May wood. May tela. May glass. May thumbtacks. may nakausling papel. May video installation pa nga. Hay.

Sa gitnang gallery, andun ang Art on Violin Exhibit. Inimbitahan nila ang mahigit 30 artists na gawing canvass ang isang violin. May painting na manika na kamukha ni Ma. Leonora Teresa. May astiiig na painting ng isang Russian girl. May painting ng isang hubad na babae na kulay berde (ni Erwin Leano). May gawa sa beehive. Wow. May sinira ang violin at nilagay sa isang bote. Hay.

Isang hay para sa frustration na maging isang artist.

Isang hay para bagong inspirasyon na sikaping maging kahit sa patay na kuko ng isang artist.

Isang hay para kay Pong Pagong. Kala mo, aasa akin ang huling "Weeeee!"

* * *

Isang pagluluksa para sa pagkamatay ng blog ni Mace. Definitely, one of the best written blogs I have ever read. (At isang dahilan kung bakit mahal ko ang hayskul.) Naks.

I demand a resurrection.

* * *

"You held your breath / and the door for me. Thanks for your patience."
         --Head Over Feet, Alanis Morissette



sinulat ni ilaya ng 08:44 pm; Thursday, January 05, 2006
Comments (7)  

cn u b my txtm8 muah


Nagtetext si Chulalongkorn*. Tas biglang tanong sakin: "Tonet, kapag ba nag-message sending failed, ma-sesend ba yun?"

Tahimik. Breathe in. Ang hula ko, hindi. Pero hula lang yun ah. Hula lang. Breathe out.

*Pangalan ay iniba upang maprotektahan ang reputasyon at hinaharap.

* * *

Dumaan ako sa may lobby ng Mass Comm.

Nakita ko si Dane. Sabi, "Uy, Tonet, binati mo na ba si Angie (yung Assistant Vice President ko nung Publicity head pa ako sa Broadcasters' Guild)? Birthday nya ngayon!"

"Ah talaga? Sige, mamaya!" At nagpaalam na ako.

Hindi pa ako nakakalayo sa lobby nang may tumunog. Toot toot.

Aba, may nag-text saken.

Aba, si Dane. Ang sabi: "Angie, happy birthday! "

Aba.

* * *

"Di ba kapag iniisip mo lang yun at hindi ginagawa, hindi ka naman mabubuntis diba?"
            
--isang text kay Ilaya

Hay, magsama kayo ni Chulalongkorn.

* * *

"Ano ka ba. E sa simpleng 'happy birthday' at 'good morning' mo nga lang e naaastigan na'ko, e san ka pa diba? E baka nga kahit simpleng 'oy' lang ang sabihin mo e sobrang maastigan na ko e."

Toot toot. Ang reply: "Oy."

* * *

"Paano'ng mas maganda ka kaysa sa Maria Clara sa aking alaala?"
            
--Ibarra kay Maria Clara matapos ang pitong taong hindi pagkikita, Noli Me Tangere

"Isinusumpa ko / sa aking pagbalik / aagawin kita / kahit pa sa langit."
            
--Ibarra kay Maria Clara sa kanilang huling pagkikita, Noli Me Tangere (Ang Dula) sa CCP

Hay, Jose Rizal, can you be my textmate? Tahimik. On second thought, rest in peace na lang pala.



sinulat ni ilaya ng 08:39 pm; Thursday, December 29, 2005
Comment (1)  

Oy. Dom dom dom.


Ikaw na nagbigay ng pinaka-astig na birthday greeting na tatlong salita lang ang gamit. Ikaw na nagbigay ng pinaka-astig na text na isang salita lang (at apat na characters) ang gamit. Ikaw na nagbigay ng pinaka-astig na paalala na walang salitang gamit.

Mokong ka. Nakaka-miss ka rin pala bilang kaibigan, no?

Ang hirap pala talagang umiyak nang nakangiti at walang hinahayaang luhang pumatak. Tapos kapag may pumatak nang isa, sinisi ko ang sarili ko kung bakit ako may sipon at allergic sa alikabok. Ayan tuloy, konti na lang ang tissue ko.

Sa susunod, wag ka na kasi magpa-miss. Hindi bagay sa'kin. Slight lang.

* * *

Sa FX pauwi sa amin.

Sabi ng driver: "Meron ba dyang [bababa ng] Rotonda?" Walang sumagot.

"Rotonda? Wala?" Walang sumagot.

Kaya pinihit na ni Manong Driver ang FX paliko.

At biglang. "Kuya, sa Rotonda lang po," sigaw ng isang pasahero. (Itago na lang natin siya sa pangalang "%^@#$%&^$#!?!".)

Count one to three. Hinga. Four, five, six. Pikit. There.

E SIRA KA PALA %^@#$%&^$#!?! E. TINATANONG KANINA NANG MAAYOS KUNG MAY BABABA NG ROTONDA, HINDI KA SUMAGOT. ANO YUN, RHETORICAL QUESTION? FOR FUN LANG?!

Pero syempre tumahimik lang ako. At tumahimik lang din si Manong Driver.

Pero Manong, pramis, kapag nauna kang sabunutan si %^@#$%&^$#, ako ang bahala sa bangs niya.

* * *

"Dom dom / dom dom dom dom / dom dom dom / dom dom dom dom / dom."
                     --Stand By Me, Ben E. King



sinulat ni ilaya ng 09:55 am; Wednesday, December 14, 2005
Comment (1)  

Wala si Cassandra Ponti. Pagdating, gigisingin ko.


Huminto na ang MRT sa bababaan kong Quezon Avenue Station.

Sabi ng driver sa speaker: "Cubao Station."

Kuya, that was sooo two stations ago!

* * *

Salamat sa libreng Bravenet Stat Counter, nalalaman ko kung paano nakakapunta ang mga tao dito. Kahit paano, nagiging makabuluhan naman pala ito nang hindi sinasadya.

Meron, nag-search ng "Cassandra Ponti", at voila, napunta siya dito. (Hijo/hija, punta ka sa post ko nung Sept 17 2005, andun si Cass. Pero ayun, binanggit ko lang siya. Walang extra info. Next time kasi, gawin mong mas specific ang pag-search mo. Try mo ang "Totoo nga ba ang boobs ni Cassandra Ponti o hindi?")

Meron, nag-search ng "Cassandra Ponti FHM." (Hijo/hija, ikaw din ba yan? Kahit lagyan mo pa ng "Uma", dito ka pa rin mapupunta. Teka, si Glenn ka ba?)

Meron, nag-search sa google ng "Ano ang ibig sabihin ng ethel?", at tsaraaan, napunta sa blog ko. (Hijo/hija, hindi mo matatagpuan ang kasagutan na yan dito. Alam kong specific na ang query mo, pero wala akong kinalaman dyan. Try mo "Ano ang ibig sabihin ng ethel? Yung sa hindi blog.")

May tawag si Leo dyan e. Frustrated visitors.

Frustrated visitors, balik kayo a.

* * *

Abangan nyo ang personalized silkscreen shirt business namin ni Leo (with Andy Warhol- and alibata-inspired designs). Coming this December 2005.

Yun lang.

* * *

"Hindi naman sa sinisiraan ko ang pangit na yan."
             --Akin Ka Na Lang, itchyworms!

"Sorry / mama/ pasensya ka na / Akala ko asawa kita."
             --Limang Dipang Tao, Barbie's Cradle (nung nasa cradle pa si Barbie)


sinulat ni ilaya ng 11:43 am; Tuesday, November 29, 2005
Make a comment  

(Kunwari may post. Quiet ka lang.)


Isang buwan na pala akong hindi nag-popost.


sinulat ni ilaya ng 11:48 am; Wednesday, November 16, 2005
Comments (2)  

Bato-bato sa langit, ang tamaan, siyang nagbigay ng tsukuleyts


Kinuha ni Ruan (na four years old na pero kyut na kyut pa rin pati ang mga hirit) ang aking isang bar ng chocolates sa aming ref. Kinain. Nilamon. Nasarapan. 

Tapos sabi sakin, "Ate Ann, bili ka uli ng ganito ha."

Sabi ko, "Ay hindi ako ang bumili nyan. Binigay lang sakin yan eh."

"Edi sabihin mo dun sa nagbigay sayo bigyan ka ulit."

* * *

Natatawa ako sa BlogThings.com. Kahanay ng mga "What's Your Ideal Relationship?" at "The Three-Question Personality Test" ang mga walang kwentang "What's your Hawaiian Name?" at "What's your SuperHero Name?" Isama mo pa ang "Underwear Oracle" kung saan ipapaubaya ang hinaharap sa suot na salawal.

Pero mas natatawa ako sa mga taong pumapatol naman. Gusto talagang malaman ang kanilang Hawaiian name kahit ang pinakamalapit na koneksyon nila sa Hawaii ay si Jasmine Trias (with flower sa tenga).

Minsan talaga, ang mga tao, ang daming panahon para sa kababawan sa buhay.

Nga pala, pwede nyo na rin akong tawaging Mariana Cabral. My sexy Brazilian name.

* * *

Naalala ko, nung mga unang meeting namin sa Directing class, sabi ni Sir Lino (Cayetano), pwedeng sa klaseng iyon namin malaman kung ano talaga ang gusto naming gawin.

Pwedeng gusto mo dating maging cinematographer, pero malalaman mong mas gusto mo na pala maging production designer.
Pwedeng gusto mo dating maging scriptwriter, pero malalaman mong gusto mo na pala maging editor.
Pwedeng gusto mo dating maging sound director, pero malalaman mong gusto mo na pala maging isang agogo dancer.
Pwedeng gusto mo dating maging direktor, pero malalaman mong, syet, gusto mo talaga maging direktor.

Ang masasabi ko lang, pagkatapos ng Directing class namin, wala na akong gustong mas maging pa kesa maging isang direktor.

* * *

"And if somebody loves you / won't they always love you?"
                      --Where Do Broken Hearts Go?, Whitney Houston


sinulat ni ilaya ng 08:38 pm; Sunday, October 16, 2005
Comment (1)  

Next Page

Blogdrive