
|
Minsan, may mga taong darating sa buhay natin, ngunit lilisan din naman agad kapag tapos na ang dahilan ng kanilang pagdating. * * * Kasasakay ko lang ng UP-Pantranco jeep sa hi-way. Tapos may sumakay na mag-asawa. (Dahil pareho silang naka-orange, itago na lang natin sila sa pangalang 'Orange Team.') Sa dulo sumakay. Sa likod ng drayber. Abot ako ng bayad. "Bayad ho." Kinuha ng Orange Team at ibinigay sa drayber. "Bayad daw." Abot ng bayad ang katabi ko. "Bayad ho." Kinuha uli ng Orange team. Binigay sa drayber. "Eto sukli." Kinuha ng Orange Team. Binigay sa katabi ko. At nag-abot na rin ng bayad ang ibang mga nakasakay sa Orange Team. Minsan, may sukli. Edi abot uli ang Orange Team. Tapos naglabas na ng pera ang Orange Team. Sila naman. "Ma, bayad ho. Dalawang Census." Ay, ay, ay. "Ay, UP ho ito. Sa kabilang jeep ho ang Census." Uulitin ko. Ay, ay, ay. At lumisan na ang Orange Team. * * * Paglisan ng Orange Team, isa lang ang naisip ko: Buti na lang nakapag-abot na ako ng bayad ko bago pa sila umalis. Paalam Orange Team. Mami-miss ko kayo. * * * Hindi nakakapanood si Glenn ng Pinoy Big Brother kasi wala siyang TV sa kanyang boarding house. "Ay sayang, feeling ko may magugustuhan ka pa naman dun," sabi ko. "Sexy. Malaki boobs. Malaki pwet." Walang reaksyon. Nakikinig lang. "Si Cass. Nag-pose na daw yun for FHM eh." Ting! (magic word: FHM.) "SI CASSANDRA PONTI???" * * * "Ate, meron po ba kayo nung March of the Penguins?" "A oo, meron." Kinalabit ang lalaking assistant. "Boy, pakikuha naman yung DVD nung may mga pating." * * * Kakapanood ko lang ng March of the Penguins ni Luc Jacquet. Isa itong documentray tungkol sa mating rituals ng mga penguin na nagsisismula sa isang mahabang prusisyon papuntang Antractican tundra tuwing Marso para humanap ng kanilang mate. Kaya ganun ang title. Iyan ang muli kong pagbili ng pirated DVD (imbes na manghiram). At sulit na sulit na sulit. Sa totoo lang, isa siyang astig na love story na tungkol din sa family. Penguin nga lang ang bida. At si Morgan "God, is that You speaking?" Freeman ang narrator. (Sa puntong ito, tinamad na akong magkwento pa. Panoorin nyo na lang.) Ang masasabi ko lang, may posibilidad na si Glenn ay isang lalaking penguin sa past life nya. (Yan, bumawi na ako a.) Manalig ka, compliment yan. Kinda. * * * "Andito ka ay ayos na." --Pare Ko, Eraserheads
| |||||||||||||||
|
|||||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
Leo (TP ko 'to) Mace ES KE Des Kizi Ish Ayn Irene Maolen Bembem Charliebebs Ang design ng aking blog ay ginawa ni Yoshke Dimen (na ES Dimen pag gabi at pag nasa klasrum). |
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||