
|
Huminto na ang MRT sa bababaan kong Quezon Avenue Station. Sabi ng driver sa speaker: "Cubao Station." Kuya, that was sooo two stations ago! * * * Salamat sa libreng Bravenet Stat Counter, nalalaman ko kung paano nakakapunta ang mga tao dito. Kahit paano, nagiging makabuluhan naman pala ito nang hindi sinasadya. Meron, nag-search ng "Cassandra Ponti", at voila, napunta siya dito. (Hijo/hija, punta ka sa post ko nung Sept 17 2005, andun si Cass. Pero ayun, binanggit ko lang siya. Walang extra info. Next time kasi, gawin mong mas specific ang pag-search mo. Try mo ang "Totoo nga ba ang boobs ni Cassandra Ponti o hindi?") Meron, nag-search ng "Cassandra Ponti FHM." (Hijo/hija, ikaw din ba yan? Kahit lagyan mo pa ng "Uma", dito ka pa rin mapupunta. Teka, si Glenn ka ba?) Meron, nag-search sa google ng "Ano ang ibig sabihin ng ethel?", at tsaraaan, napunta sa blog ko. (Hijo/hija, hindi mo matatagpuan ang kasagutan na yan dito. Alam kong specific na ang query mo, pero wala akong kinalaman dyan. Try mo "Ano ang ibig sabihin ng ethel? Yung sa hindi blog.") May tawag si Leo dyan e. Frustrated visitors. Frustrated visitors, balik kayo a. * * * Abangan nyo ang personalized silkscreen shirt business namin ni Leo (with Andy Warhol- and alibata-inspired designs). Coming this December 2005. Yun lang. * * * "Hindi naman sa sinisiraan ko ang pangit na yan." --Akin Ka Na Lang, itchyworms! "Sorry / mama/ pasensya ka na / Akala ko asawa kita." --Limang Dipang Tao, Barbie's Cradle (nung nasa cradle pa si Barbie)
| |||
|
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
Leo (TP ko 'to) Mace ES KE Des Kizi Ish Ayn Irene Maolen Bembem Charliebebs Ang design ng aking blog ay ginawa ni Yoshke Dimen (na ES Dimen pag gabi at pag nasa klasrum). |
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||