
|
Ikaw na nagbigay ng pinaka-astig na birthday greeting na tatlong salita lang ang gamit. Ikaw na nagbigay ng pinaka-astig na text na isang salita lang (at apat na characters) ang gamit. Ikaw na nagbigay ng pinaka-astig na paalala na walang salitang gamit. Mokong ka. Nakaka-miss ka rin pala bilang kaibigan, no? Ang hirap pala talagang umiyak nang nakangiti at walang hinahayaang luhang pumatak. Tapos kapag may pumatak nang isa, sinisi ko ang sarili ko kung bakit ako may sipon at allergic sa alikabok. Ayan tuloy, konti na lang ang tissue ko. Sa susunod, wag ka na kasi magpa-miss. Hindi bagay sa'kin. Slight lang. * * * Sa FX pauwi sa amin. Sabi ng driver: "Meron ba dyang [bababa ng] Rotonda?" Walang sumagot. "Rotonda? Wala?" Walang sumagot. Kaya pinihit na ni Manong Driver ang FX paliko. At biglang. "Kuya, sa Rotonda lang po," sigaw ng isang pasahero. (Itago na lang natin siya sa pangalang "%^@#$%&^$#!?!".) Count one to three. Hinga. Four, five, six. Pikit. There. E SIRA KA PALA %^@#$%&^$#!?! E. TINATANONG KANINA NANG MAAYOS KUNG MAY BABABA NG ROTONDA, HINDI KA SUMAGOT. ANO YUN, RHETORICAL QUESTION? FOR FUN LANG?! Pero syempre tumahimik lang ako. At tumahimik lang din si Manong Driver. Pero Manong, pramis, kapag nauna kang sabunutan si %^@#$%&^$#, ako ang bahala sa bangs niya. * * * "Dom dom / dom dom dom dom / dom dom dom / dom dom dom dom / dom."
| ||||||||
|
||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
Leo (TP ko 'to) Mace ES KE Des Kizi Ish Ayn Irene Maolen Bembem Charliebebs Ang design ng aking blog ay ginawa ni Yoshke Dimen (na ES Dimen pag gabi at pag nasa klasrum). |
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||