
|
Nagtetext si Chulalongkorn*. Tas biglang tanong sakin: "Tonet, kapag ba nag-message sending failed, ma-sesend ba yun?" Tahimik. Breathe in. Ang hula ko, hindi. Pero hula lang yun ah. Hula lang. Breathe out. *Pangalan ay iniba upang maprotektahan ang reputasyon at hinaharap. * * * Dumaan ako sa may lobby ng Mass Comm. Nakita ko si Dane. Sabi, "Uy, Tonet, binati mo na ba si Angie (yung Assistant Vice President ko nung Publicity head pa ako sa Broadcasters' Guild)? Birthday nya ngayon!" "Ah talaga? Sige, mamaya!" At nagpaalam na ako. Hindi pa ako nakakalayo sa lobby nang may tumunog. Toot toot. Aba, may nag-text saken. Aba, si Dane. Ang sabi: "Angie, happy birthday! Ü" Aba. * * * "Di ba kapag iniisip mo lang yun at hindi ginagawa, hindi ka naman mabubuntis diba?" Hay, magsama kayo ni Chulalongkorn. * * * "Ano ka ba. E sa simpleng 'happy birthday' at 'good morning' mo nga lang e naaastigan na'ko, e san ka pa diba? E baka nga kahit simpleng 'oy' lang ang sabihin mo e sobrang maastigan na ko e." Toot toot. Ang reply: "Oy.Ü" * * * "Paano'ng mas maganda ka kaysa sa Maria Clara sa aking alaala?" "Isinusumpa ko / sa aking pagbalik / aagawin kita / kahit pa sa langit." Hay, Jose Rizal, can you be my textmate? Tahimik. On second thought, rest in peace na lang pala.
| |||||||||||||||
|
|||||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
Leo (TP ko 'to) Mace ES KE Des Kizi Ish Ayn Irene Maolen Bembem Charliebebs Ang design ng aking blog ay ginawa ni Yoshke Dimen (na ES Dimen pag gabi at pag nasa klasrum). |
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||