O Juan Alcazaren at Ugu Bigyan, ilayo nyo po ako kay Pong Pagong


"Kay huhusay gumuhit / kay husay ng kamay
Kay sisipag umukit / kay husay mag-kulay.
Salamat sa inyong lahat / kami ay natutuwa
sa padala ninyo / sa pagdala ninyo
kami'y tunay na humahanga. Weeeee!"
          --Theme from Batibot, Send your Drowing portion (oo, si Pong Pagong yung nag-weeee)

Isa ako sa mga na-goyo nina Ate Siena at Kuya Bodjie na magpadala ng drowing para makita sa TV. Ang dinrowing ko, bahay kubo, tas may puno. Tas ang pamilya ko. (Nilagay ko pa ang mga pangalan sa bawat ulo. Naninigurado lang. Baka may magtanong e.)

At sa bawat araw, bago matapos ang Batibot, pinaka-inaabangan ko ang mga drowing na napili. Hindi ang "pa-pa-pa-palaisipan" o ang "da-da-da-isda." Slight lang.

Ang masasabi ko lang, masakit mabigo kapag pinagpaguran mo ang pagkulay sa kubo nang walang lampas.

May araw ka rin Pong Pagong.

* * *

Bumisita ako sa 4th floor ng Megamall, ang pinakapaborito kong mall (kahit na malagkit ang sahig ng mga sinehan nila), para sa aking pabugsu-bugsong pa-artist na moda. At gaya ng laging nangyayari, hay.

Sa isang gallery, ang tatlong dingding nila, puno ng maliliit na paintings na iba't ibang artists. Kasing laki lang ng short bond. May oil. May acrylic. May wood. May tela. May glass. May thumbtacks. may nakausling papel. May video installation pa nga. Hay.

Sa gitnang gallery, andun ang Art on Violin Exhibit. Inimbitahan nila ang mahigit 30 artists na gawing canvass ang isang violin. May painting na manika na kamukha ni Ma. Leonora Teresa. May astiiig na painting ng isang Russian girl. May painting ng isang hubad na babae na kulay berde (ni Erwin Leano). May gawa sa beehive. Wow. May sinira ang violin at nilagay sa isang bote. Hay.

Isang hay para sa frustration na maging isang artist.

Isang hay para bagong inspirasyon na sikaping maging kahit sa patay na kuko ng isang artist.

Isang hay para kay Pong Pagong. Kala mo, aasa akin ang huling "Weeeee!"

* * *

Isang pagluluksa para sa pagkamatay ng blog ni Mace. Definitely, one of the best written blogs I have ever read. (At isang dahilan kung bakit mahal ko ang hayskul.) Naks.

I demand a resurrection.

* * *

"You held your breath / and the door for me. Thanks for your patience."
         --Head Over Feet, Alanis Morissette



sinulat ni ilaya ng 08:44 pm; Thursday, January 05, 2006

ang saya
July 30, 2006   01:09 PM PDT
 
ang saya naman d2
mark
May 20, 2006   01:03 PM PDT
 
diko alam kung bakit ako napunta dito search ko lang ang batibot... at dito ako napunta! well interesting naman yung blog mo kaya diko na hinanap ang batibot! ayus! ako rin ay dating nagpadala sa send your drowing portion! hehehe asteg!
mark
May 20, 2006   01:03 PM PDT
 
diko alam kung bakit ako napunta dito search ko lang ang batibot... at dito ako napunta! well interesting naman yung blog mo kaya diko na hinanap ang batibot! ayus! ako rin ay dating nagpadala sa send your drowing portion! hehehe asteg!
leo
January 10, 2006   01:07 PM PST
 
Shet... nakakairita nga si koko kwikwak!

Favorite ko yung Palaisipan eh!
des
January 9, 2006   10:12 AM PST
 
mas cute si kiko matsing! hindi ba retarded si pong pagong?
ilaya
January 8, 2006   09:54 AM PST
 
(Walang koneksyon sa entry na to. Gusto ko lang ilagay sa 'comments' at ayaw gawing isang bagong entry. Para pa-mysterious na hindi wehehe.)

Bakit may mga taong isang tingin mo lang e nag-aapoy na ang galit mo?

Buti na lang may [mga] taong isang tingin mo lang, malilimot mo kung ano man ang nangyayari sa isip mo. Parang magic.

Pero kinabukasan mag-aapoy ka na naman.

Wag mo kong buhusan ng tubig.

sinisipon
January 6, 2006   12:07 AM PST
 
uyy wag mo awayin si pong pagong, mahal ko yan...galit ako kay koko kwikkwak dahil pinalitan niya si pong pagong hwehehe.
yoshke
January 5, 2006   11:33 PM PST
 
ayoko rin kay pong pagong dahil never naman ako nahook sa batibot.

pero yung violins gusto ko.
  

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry

Blogdrive