
|
Kung may oras at sipag lang, ito sana ang nakalagay sa "Thank you very much, really now" (o "Acknowledgments" kapag ordinaryong araw) ng thesis ko. Kay Mama at Papa. Para sa inyo ito. Kay Mama at Papa ni Leo, at kina Ate Leng at Ate Rhana. Sa sobrang kabaitan. At sa hot chocolate at sa pa-baong 7-11 na hotdog. Kay Ms. Kathlyn Pike, sa paniniwala nung hayskul, at sa pag-iba ng mababaw na ambisyon kong ma-interview lang si Ralph Rivera. Kundi, baka grumadweyt akong Broad Comm. Kay Ma'am Anne de Guzman, definitely my best professor in UP Film Institute. Ang pagkuha ng Film 112 nyo ang isa sa mga pinaka-tamang nagawa ko, matapos makakuha ng 2.5 sa Film 100 kay Sir D**** (wala siyang puwang sa Acnowledgements ko. Bitter). With every film I do, I always want to make you proud. Kay Sir Quark, salamat po sobra. Nakakataba ng puso. At Sir Astro, salamat po sobra. Nakakataba din po ng puso. (Ay pareho lang pala. May "din" lang yun iyo.) Kay ES, Dohna, Ayn, Frances, Icang, Bebs, at sa UP CINEMA. Salamat sa paniniwala, sa suporta, at sa pagkakaibigan. At sa pagpayag maaligaga kahit alas-tres ng umaga at OA na kami. Kay Tetel, Mace, KE at sa Team Bugsy. Salamat sa tiwala. (Enter "High School Life.") Kay Lakay. Oy. Kay Leo. (*Wala akong masabi. Naka-ilang type at backspace na'ko.*) Bleh. (Kung may makalimutan, ieedit balang araw. Hindi naman ito ipapa-bind.)
| ||||||||||||||||||||||
|
||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
Leo (TP ko 'to) Mace ES KE Des Kizi Ish Ayn Irene Maolen Bembem Charliebebs Ang design ng aking blog ay ginawa ni Yoshke Dimen (na ES Dimen pag gabi at pag nasa klasrum). |
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||