
|
SALAMIN ni Vannesa Mace Mateo mahal kita hindi mo ba alam _________________________ alam mo ba hindi kita mahal * * * Astig ka, Mace. Comments (2) Permalink
| |||
|
Minsan, may mga taong darating sa buhay natin, ngunit lilisan din naman agad kapag tapos na ang dahilan ng kanilang pagdating. * * * Kasasakay ko lang ng UP-Pantranco jeep sa hi-way. Tapos may sumakay na mag-asawa. (Dahil pareho silang naka-orange, itago na lang natin sila sa pangalang 'Orange Team.') Sa dulo sumakay. Sa likod ng drayber. Abot ako ng bayad. "Bayad ho." Kinuha ng Orange Team at ibinigay sa drayber. "Bayad daw." Abot ng bayad ang katabi ko. "Bayad ho." Kinuha uli ng Orange team. Binigay sa drayber. "Eto sukli." Kinuha ng Orange Team. Binigay sa katabi ko. At nag-abot na rin ng bayad ang ibang mga nakasakay sa Orange Team. Minsan, may sukli. Edi abot uli ang Orange Team. Tapos naglabas na ng pera ang Orange Team. Sila naman. "Ma, bayad ho. Dalawang Census." Ay, ay, ay. "Ay, UP ho ito. Sa kabilang jeep ho ang Census." Uulitin ko. Ay, ay, ay. At lumisan na ang Orange Team. * * * Paglisan ng Orange Team, isa lang ang naisip ko: Buti na lang nakapag-abot na ako ng bayad ko bago pa sila umalis. Paalam Orange Team. Mami-miss ko kayo. * * * Hindi nakakapanood si Glenn ng Pinoy Big Brother kasi wala siyang TV sa kanyang boarding house. "Ay sayang, feeling ko may magugustuhan ka pa naman dun," sabi ko. "Sexy. Malaki boobs. Malaki pwet." Walang reaksyon. Nakikinig lang. "Si Cass. Nag-pose na daw yun for FHM eh." Ting! (magic word: FHM.) "SI CASSANDRA PONTI???" * * * "Ate, meron po ba kayo nung March of the Penguins?" "A oo, meron." Kinalabit ang lalaking assistant. "Boy, pakikuha naman yung DVD nung may mga pating." * * * Kakapanood ko lang ng March of the Penguins ni Luc Jacquet. Isa itong documentray tungkol sa mating rituals ng mga penguin na nagsisismula sa isang mahabang prusisyon papuntang Antractican tundra tuwing Marso para humanap ng kanilang mate. Kaya ganun ang title. Iyan ang muli kong pagbili ng pirated DVD (imbes na manghiram). At sulit na sulit na sulit. Sa totoo lang, isa siyang astig na love story na tungkol din sa family. Penguin nga lang ang bida. At si Morgan "God, is that You speaking?" Freeman ang narrator. (Sa puntong ito, tinamad na akong magkwento pa. Panoorin nyo na lang.) Ang masasabi ko lang, may posibilidad na si Glenn ay isang lalaking penguin sa past life nya. (Yan, bumawi na ako a.) Manalig ka, compliment yan. Kinda. * * * "Andito ka ay ayos na." --Pare Ko, Eraserheads Comments (2) Permalink
| |||
|
"Gusto ko si Uma (sa Pinoy Big Brother. Yung pag "Touch the color kulay mais," may mahahawakan sa kanya, for sure)!" sabi ni Irene. "E bading yun e." Matter-of-factly Dohna. "Oo nga daw. May boyfriend nga daw yun." Seconding the motion ES. "Sabagay, mukha naman talaga siyang bading." Mapanghusgang Irene. "E lahat naman ng lalaki bading." Gabriela member Ayn. * * * Isa sa mga napag-alaman ko sa blogdrive ay wala itong konsepto ng favoritism. Hanggang ngayon, hindi ako nakakapag-tag sa ibang tagboards. Sa akin lang. Pero paksyet naman. PATI BA NAMAN AKO SASABIHAN PA NG "To verify that you are a real person, please re-type the code below" KAPAG MAG-TATAG SA SARILI KONG TAGBOARD??? For your information, blogdrive, ako ang may-ari ng blog na ito. And for your second information, tao akong lumabas sa aking nanay (normal delivery) at after 21 years, tao pa rin ako. And for your third information, you stupid you. Ayan, nagiging mala-dragon na 'ko. Subukan mong magduda, blogdrive. Blogdrive ka lang. I am a person. * * * Na-tsismis kong kwento sa katabi ko sa UP-Pantranco dyip. Ang lakas kasi ng boses. "Ma, bayad ho." Abot ng beinte. Drayber kinuha ang beinte. "Saan galing 'to?" "Trabajo po." Katabi niya naman. "Ma, bayad ho." Abot ng beinte. Drayber kinuha ang beinte. "Saan galing 'to?" "Sa eskwela po." Thank you for that vital information, hijo. So, hijo, how was school today? * * * "What can I do / to convince you to change your mind of me? I'm gonna love you more than anyone." --Gavin deGraw, The O.C. OST Comments (4) Permalink
| |||
|
All caps ang title ko. Wala, sinabi ko lang. Ay, sinigaw ko pala. (Disclaimer: Por da pers taym ay gumamit ako ng bold letters. Ang epekto nyan ay parang sigaw din, pero mas malumanay. Try mo.) * * * Ipapalabas ang documentary namin ni TP Leo, yung ILOG / TAGA-ILOG, sa Gateway Mall sa Cubao sa August 18-21. Sinwirti kasi kaming makapasok sa 1st Moonrise Documentary Film Festival. Minsan talaga, malakas ako kay God. Eto ang sked ng aming docu: AUGUST 18, Thursday 9pm AUGUST 19, Friday, QC Day 12nn AUGUST 20, Saturday 4pm 7pm Awarding Ceremonies AUGUST 21, Sunday 1:30pm Sa lahat ng iyan, sana sa August 19, 12nn kayo makapunta kasi iyon ang aming Directors' Spot. Open forum yun na pinaganda lang ang pangalan. Pagkatapos ipalabas ang aming docu ay may tanungan portion. Kaya sana andun kayo, kasi baka ang lumabas e kami lang ni Leo ang magtanungan. Very autistic naman. At sana din, punta na rin kayo sa Awarding Ceremonies kung trip n'yo. Para naman pag hindi kami manalo ay hindi mauubusan ng "Ok lang 'yan" (English version: "It's okay lang, you know. Duh.") Punta kayo ha, sige na, please? Tapos mag-clap na rin kayo. Andun kami ni Leo sa lahat ng screenings kaya i-text nyo lang kami. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na kami. In Filipino, that is "Salamat po, sobra." * * * Postscript: May bayad ang panonood. P60 ata for students, pero 4-5 docus ang mapapanood nyo nun. Syempre, dapat mas maliit ang font. Para kung bulag ka at kuripot, hindi mo ito makikita. Comments (6) Permalink
| |||
|
If you're happy and you know it, clap your hands. Nek nek mo. * * * Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Siguro yung tipong gustung-gusto mong mag-yosi tas bigla mong maaalala, di ka nga pala nagyoyosi. Yung tipong titingala ka hanggang kaya mo para lang hindi pumatak tas bigla mong maaalala, syet, may gravity nga pala. Siguro yung tipong kahit huminga ka ng malalim, kahit one to one hundred, hindi pa rin gagaan. Siguro yung tipong mapapatigil ka na lang. Parang ganito. Yung tipong gusto mong magalit nang sobra sobra sobra sobra pero hindi mo kaya. Yung tipong meron kang gustong sabihin pero ayaw mo. Tipong gusto mong magmura, pero nakakapagod, di rin naman naririnig. Yung tipong nadadayaan ka na, tas bigla mong maaalala, hindi mo nga pala alam kung kanino magrereklamo. Yung tipong tatanungin mo, 'Bakit ganito?' pero wala namang sasagot. Tipong tatanungin mo, 'Bakit ako?' pero wala namang sasagot. Tipong ayaw mo na lang magtanong. Siguro yung tipong sasabihin mo sa sarili mo, ganyan talaga. Pero tangna, bakit nga? Tipong alam mo naman kung saan nagmumula pero wala ka ring magawa. O meron ka naman talagang magagawa pero hanggang dun lang. * * * "O, bakit ka umiiyak?" "E uhaw na uhaw na 'ko, wala namang tubig! Kanina ko pa sinasabi kay Onang (yung kalaro niyang ate) na bilhan ako ng inumin, ayaw naman niya!" Iyak. Huhu. Iyak. "May pera naman ako e." "Asan na'ng pera mo, bili na tayo," sabi ni Mama. Kinuha ni Ruan ang kanyang pera sa bulsa. Piso. Comments (2) Permalink
| |||
|
Patay na si Remo, ang isdang inangkin ni Ruanne pero amin naman talaga. (Remo ang ipinangalan ni Ruanne dahil sa kanyang paniniwalang Remo ang pangalan ng isda sa Finding Nemo.) Sabi namin sa kanya, “Rue, patay na si Remo mo.” Natigil siya. “Bakit? Nalunod?” * * * Kapag ang isang isda ay namatay dahil sa pagkalunod, dapat nga siyang mamatay. * * * Nag-PA ako para sa last shooting day ng Sitak, isang independent film na kasali sa CinemaOne originals. Sabi sa’kin ng direktor, ako daw ang naka-toka dun sa water jug. Wag ko daw hahayaang mawalan ng yelo at ng tubig yun. Dapat laging malamig at puno. Tapos sigaw siya, “Sa mga PA, tumulong din kayo sa traffic. Siguraduhin nyong sa kabila dadaan ang mga sasakyan kapag take na.” Tapos biglang bumuhos ang ulan. Nautusan naman ako ng AD (Assistant Director) na payungan ang mahal nilang camera para hindi mabasa ng ulan. Lumapit sa’kin si Direktor: “Bakit ka nandyan? Di ba sabi ko sa’yo bantayan mo yung tubig?” Lord, I pray for patience. And I pray for astral projection. * * * Sobrang excited na ako sa concept ko para sa aking Directing class. Kasi love story, yehey! Parang gusto ko na tuloy gawin yung storyboard. Parang gusto ko na tuloy maghanap ng cast. Parang gusto ko nang maghanap ng locations. Tapos hindi na naman daw na-approve ni Sir Lino (Cayetano), o. Sir, wala namang ganyanan. * * * Parang yung concept ko sa expe(rimental class). Ni-reject ni Ma’am Anne (de Guzman, isa sa pinaka-astig na naging prof ko) kasi Sabi ko kasi, “To be abandoned to colors turning to black.” Sabi niya, pwede rin naman daw “death is colors turning to black” or kaya “rejection is colors turning to black” o kaya “despair is colors turning to black.” Aruy, ang sakit. Ang tagal kong inisip ang concept na yun a, in fairness to me. Pag mas matagal mo nga naman inisip, mas mahirap makalimutan. * * * Kung ang “sigurado” ay “sure” at ang “siguro” ay “hindi sure,” bakit pareho lang ang ibig sabihin ng “kasiguraduhan” at “kasiguruhan”? * * * “I don’t believe that anybody / feels the way I do / about you now.” --Wonderwall (my peyborit song of all time), Oasis Make a comment Permalink
| |||
|
Para sa isa sa mga pinaka-mature na taong kilala ko. Para sa gumawa ng pinaka-astig na expe na napanood ko. Para sa taong pinaka-honest ako. Para sa tipikal na lalaking mahilig sa NBA, sa Grand Theft, sa gitara at iba pa (na malaki ang saklaw), pero di naman talaga tipikal na lalaki sa totoong buhay (ang labo). Para sa kaisa-isang taong nakapansin kung ano yung nakasulat sa isang na-photoshop ko dito (I am tats poreber, bilib, tsong, pramis). Para sa taong sa simpleng mga salita ay napapaiyak ako (dahil sa sakit, sa pagka-touch, sa pagka-guilty, o sa saya). Para sa taong salamat talaga andyan. Para sa isang kaibigang astig na kaibigan. Para sa astig na may bertdey ngayon. Pssst, libre naman dyan. Bitin ang chocolate sundae e. * * * Ikaw, lalaki, ingatan mo yang kaibigan ko, kundi ay gagawin kong powder white ang iyong mukha. Hindi, mas white pa sa powder white. Ikaw, babae, sabi na tama ako e. Sana nakipag-bet ako ng isang milyon. Mahal kita! Ikaw, lalaki, basahin mo uli sinabi ko sa taas, hehe. Comment (1) Permalink
| |||
|
"Oh my gosh, I haven't blogged for, like, forever!" * * * Natatangahan ako sa mga taong alam na ngang tag-ulan e hindi pa rin nagdadala ng payong. Tapos, kapag bumuhos na ang ulan, magsisitakbo sa pinakamalapit na silong. O kaya papasok sa loob ng 7-11 o Ministop kahit hindi naman bibili. Kunwari lang. Kagabi, ang ayus-ayos ng pagkaupo ko sa loob ng barberya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi man lang ako kinabahan. Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na ako, sabay kapa sa aking bag. Aaaay syet. Pramis talaga, akala ko hindi uulan! * * * "Kuya, dun nyo po ako ibaba sa Ministop a." * * * Kanina, nakasalamuha ko ang pinaka-madaldal na atang MRT driver. Mula Cubao station hanggang Santolan, andami na nyang nasabi: "Cubao Station, Cubao." "Dumeretso lang po sa may bandang gitna." "Humawak po sa mga safety hand rails." "Wag po tayong sumandal sa pinto." "Ingatan po natin ang ating mga dala. Mag-ingat sa mandurukot." "Santolan-Annapolis Station, Santolan-Annapolis." Ah, kuya baka gusto n'yo pa pong bumati... * * * Pero nakakapagtaka. Pagkatapos ng Snatolan Station, hindi na siya ganun kadaldal. Baka naubusan na ng sasabihin. Kaya eto, may mga suhestiyon ako: "Huwag pong sandalan ang katabi para matulog kung hindi nyo ito kilala." "Huwag magpapasandal sa hindi kilala." "Mag-ingat po sa mga sumasandal na hindi kilala." "Magdasal po kung wala po tayong magawa." "Pero kung may magagawa naman, wag na pong magdasal." "Huwag pong sumigaw kapag nakikipag-usap sa cellphone. Naririnig po kayo ng kausap nyo. At naririnig po namin kayo." * * * Natutunan kong hindi mo mapipilit mabago ang mga tao. Dalawa lang yan e: tanggapin na lang ang lahat, o mag-alay ng itlog kay Sta. Clara na mapagbigyan ka naman. Please? (Sa Maynila ata yun.) Natutunan kong ang mga bagay na hinayaan na lang at kusang nangyari ay mas astig kaysa sa pinilit. Natutunan kong okay lang maghintay. Basta may hinihintay. Natutunan kong minsan, sus, hindi rin. Natutunan kong pinakaastig pa rin yung kahit di mo alam kung may hinihinatay e tuloy lang. Natutunan kong kapag kaibigan mo talaga ang isang tao, kaibigan mo talaga siya. Natutunan kong pag mahal, mahal. Natutunan kong pag hindi, hindi. Pero sana pa rin, oo. Natutunan kong kapag nag-wish ka sa star, matutupad yun, basta wag ka lang kokontra. Natutunan kong uso pa rin pala ang sobrang sikip na mga t-shirt sa mga lalaking malalaki ang masel at malalaki ang dibdib. Natutunan kong kahit naka-pambahay ka lang, papapasukin ka pa rin sa Gateway. Natutunan kong masaya ang buhay. Pramis. Basta wag mo lang kakalimutang magdala ng payong. * * * "Where you lead / I will follow..." --Gilmore Girls theme Comments (2) Permalink
| |||
|
"Ano nga uli yung bagong show sa ABS-CBN?" tanong ng kaibigan at co-intern kong si Mimi. Tahimik. Nag-isip si Mimi. "Ahhh, ayun. Kubang Kampana!" Hmmm. Parang may mali. Parang lang a. * * * Napagnilayan ko ang pausong "Kubang Kampana" ni Mimi, at malamang ay ganito ang hitsura nya:
Tsk, tsk. Kawawang kampana. Kampana na nga lang siya, kuba pa.
* * *
Gamit na gamit ang aking pagkatao sa internship ko sa Industria Productions, Inc. kanina. Mula 9 am to 9 pm, pabalik-balik ako sa ad agency na TBWA, sa office ng Industria at sa Roadrunner para mag-deliver ng betacam, ng pagkain, ng sulat, ng mga taong kliyenteng kailangan kong ngitian ng isang perky smile.
Kaya nang niyaya na kami para kumain, wala nang "ay, sige, wag na po." Ano'ng kain? Lamon kamo.
Putanesca. Pastries mula Bizu na P25 ang isa. Garlic bread. Manok na walang sarsa. Orange juice. Ham. Cheese. Sossy sausage (iba kasi ang hiwa. Pa-sideview ba).
Sa totoo lang, yan ang tira ng mga TBWA people. Pero sus naman. Kapag sikmura na ang tumawag, choosy ka pa ba? Basta walang cyanide, lamon lang. Hindi nakamamatay. Pero kung mamatay man ako, dapat mamatay din sila. Hoy mga pagkain, choosy ka pa ba? * * * Kanina siguro ang pinaka-sardinas kong sakay ng MRT (mula Ayala Station papuntang Shaw). Yun yung tipong kailangan mong kumurap-kurap nang madalas upang patunayan sa sarili mong hindi ka estatwa. Yun yung tipong i-wi-wish mong hindi mag-va-vibrate ang cellphone mo sa iyong bulsa dahil malamang-lamang, pati ang katabi mo, feel na feel ang presence ng iyong cellphone. Buti na lang walang nag-text saken ng mga panahong yun. In fairness to 2366, your timing today was great. * * *Napansin ko lang, ang daling maging malungkot kesa sumaya, no? * * * Kanina, sa pagsundo ko sa mga ad agency people ng TBWA, dalawa lang ang narinig kong nag-thank you. Isa yan sa mga ayaw ko. Yung hindi marunong mag-thank you. Yung hindi marunong mag-appreciate. Hindi naman kailangan sabihin. Ipadama lang, ayus na. Pero okay lang din. Kanya-kanyang pananaw. Nagkataon, yun yung akin. * * * I missed Bo Bice's version of the OneTree Hill theme on American Idol last night, bwiset. Gusto ko maging rakstar!!! * * * "For the first time / I am looking in your eyes." --For The First Time, Kenny Loggins Narinig ko yan kanina sa jeep papuntang MRT Ayala. Syet, ang ganda pala. Hay. Make a comment Permalink
| |||
|
Syet bigla akong nalungkot. Nakakainis. Wala na lang magawa kundi, ewan, panindigan? Nadadama kong pagkatapos ng ilang araw, buburahin ko 'tong post na 'to. * * * Labo. Comment (1) Permalink
| |||
|
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
Leo (TP ko 'to) Mace ES KE Des Kizi Ish Ayn Irene Maolen Bembem Charliebebs Ang design ng aking blog ay ginawa ni Yoshke Dimen (na ES Dimen pag gabi at pag nasa klasrum). |
||||||||||||
|
|
||||||||||||
|
|
||||||||||||