|
Tapos sabi sakin, "Ate Ann, bili ka uli ng ganito ha." Sabi ko, "Ay hindi ako ang bumili nyan. Binigay lang sakin yan eh." "Edi sabihin mo dun sa nagbigay sayo bigyan ka ulit." * * * Natatawa ako sa BlogThings.com. Kahanay ng mga "What's Your Ideal Relationship?" at "The Three-Question Personality Test" ang mga walang kwentang "What's your Hawaiian Name?" at "What's your SuperHero Name?" Isama mo pa ang "Underwear Oracle" kung saan ipapaubaya ang hinaharap sa suot na salawal. Pero mas natatawa ako sa mga taong pumapatol naman. Gusto talagang malaman ang kanilang Hawaiian name kahit ang pinakamalapit na koneksyon nila sa Hawaii ay si Jasmine Trias (with flower sa tenga). Minsan talaga, ang mga tao, ang daming panahon para sa kababawan sa buhay. Nga pala, pwede nyo na rin akong tawaging Mariana Cabral. My sexy Brazilian name. * * * Naalala ko, nung mga unang meeting namin sa Directing class, sabi ni Sir Lino (Cayetano), pwedeng sa klaseng iyon namin malaman kung ano talaga ang gusto naming gawin. Pwedeng gusto mo dating maging cinematographer, pero malalaman mong mas gusto mo na pala maging production designer. Pwedeng gusto mo dating maging scriptwriter, pero malalaman mong gusto mo na pala maging editor. Pwedeng gusto mo dating maging sound director, pero malalaman mong gusto mo na pala maging isang agogo dancer. Pwedeng gusto mo dating maging direktor, pero malalaman mong, syet, gusto mo talaga maging direktor. Ang masasabi ko lang, pagkatapos ng Directing class namin, wala na akong gustong mas maging pa kesa maging isang direktor. * * * "And if somebody loves you / won't they always love you?" --Where Do Broken Hearts Go?, Whitney Houston |
| yoshke October 19, 2005 01:55 PM PDT astigin ka talaga Mariana Cabral. O ayan nagcomment ako. Ako rin, director forever. O sige writer na rin. | ||
| Leave a Comment: |