|
"Kay huhusay gumuhit / kay husay ng kamay Isa ako sa mga na-goyo nina Ate Siena at Kuya Bodjie na magpadala ng drowing para makita sa TV. Ang dinrowing ko, bahay kubo, tas may puno. Tas ang pamilya ko. (Nilagay ko pa ang mga pangalan sa bawat ulo. Naninigurado lang. Baka may magtanong e.) At sa bawat araw, bago matapos ang Batibot, pinaka-inaabangan ko ang mga drowing na napili. Hindi ang "pa-pa-pa-palaisipan" o ang "da-da-da-isda." Slight lang. Ang masasabi ko lang, masakit mabigo kapag pinagpaguran mo ang pagkulay sa kubo nang walang lampas. * * * Sa isang gallery, ang tatlong dingding nila, puno ng maliliit na paintings na iba't ibang artists. Kasing laki lang ng short bond. May oil. May acrylic. May wood. May tela. May glass. May thumbtacks. may nakausling papel. May video installation pa nga. Hay. Sa gitnang gallery, andun ang Art on Violin Exhibit. Inimbitahan nila ang mahigit 30 artists na gawing canvass ang isang violin. May painting na manika na kamukha ni Ma. Leonora Teresa. May astiiig na painting ng isang Russian girl. May painting ng isang hubad na babae na kulay berde (ni Erwin Leano). May gawa sa beehive. Wow. May sinira ang violin at nilagay sa isang bote. Hay. Isang hay para sa frustration na maging isang artist. Isang hay para bagong inspirasyon na sikaping maging kahit sa patay na kuko ng isang artist. Isang hay para kay Pong Pagong. Kala mo, aasa akin ang huling "Weeeee!" * * * Isang pagluluksa para sa pagkamatay ng blog ni Mace. Definitely, one of the best written blogs I have ever read. (At isang dahilan kung bakit mahal ko ang hayskul.) Naks. I demand a resurrection. * * * |
| ang saya July 30, 2006 01:09 PM PDT ang saya naman d2 | ||
| mark May 20, 2006 01:03 PM PDT diko alam kung bakit ako napunta dito search ko lang ang batibot... at dito ako napunta! well interesting naman yung blog mo kaya diko na hinanap ang batibot! ayus! ako rin ay dating nagpadala sa send your drowing portion! hehehe asteg! | ||
| mark May 20, 2006 01:03 PM PDT diko alam kung bakit ako napunta dito search ko lang ang batibot... at dito ako napunta! well interesting naman yung blog mo kaya diko na hinanap ang batibot! ayus! ako rin ay dating nagpadala sa send your drowing portion! hehehe asteg! | ||
| leo January 10, 2006 01:07 PM PST Shet... nakakairita nga si koko kwikwak! Favorite ko yung Palaisipan eh! | ||
| des January 9, 2006 10:12 AM PST mas cute si kiko matsing! hindi ba retarded si pong pagong? | ||
| ilaya January 8, 2006 09:54 AM PST (Walang koneksyon sa entry na to. Gusto ko lang ilagay sa 'comments' at ayaw gawing isang bagong entry. Para pa-mysterious na hindi wehehe.) Bakit may mga taong isang tingin mo lang e nag-aapoy na ang galit mo? Buti na lang may [mga] taong isang tingin mo lang, malilimot mo kung ano man ang nangyayari sa isip mo. Parang magic. Pero kinabukasan mag-aapoy ka na naman. Wag mo kong buhusan ng tubig. | ||
| sinisipon January 6, 2006 12:07 AM PST uyy wag mo awayin si pong pagong, mahal ko yan...galit ako kay koko kwikkwak dahil pinalitan niya si pong pagong hwehehe. | ||
| yoshke January 5, 2006 11:33 PM PST ayoko rin kay pong pagong dahil never naman ako nahook sa batibot. pero yung violins gusto ko. | ||
| Leave a Comment: |