|
Kung may oras at sipag lang, ito sana ang nakalagay sa "Thank you very much, really now" (o "Acknowledgments" kapag ordinaryong araw) ng thesis ko. Kay Mama at Papa. Para sa inyo ito. Kay Mama at Papa ni Leo, at kina Ate Leng at Ate Rhana. Sa sobrang kabaitan. At sa hot chocolate at sa pa-baong 7-11 na hotdog. Kay Ms. Kathlyn Pike, sa paniniwala nung hayskul, at sa pag-iba ng mababaw na ambisyon kong ma-interview lang si Ralph Rivera. Kundi, baka grumadweyt akong Broad Comm. Kay Ma'am Anne de Guzman, definitely my best professor in UP Film Institute. Ang pagkuha ng Film 112 nyo ang isa sa mga pinaka-tamang nagawa ko, matapos makakuha ng 2.5 sa Film 100 kay Sir D**** (wala siyang puwang sa Acnowledgements ko. Bitter). With every film I do, I always want to make you proud. Kay Sir Quark, salamat po sobra. Nakakataba ng puso. At Sir Astro, salamat po sobra. Nakakataba din po ng puso. (Ay pareho lang pala. May "din" lang yun iyo.) Kay ES, Dohna, Ayn, Frances, Icang, Bebs, at sa UP CINEMA. Salamat sa paniniwala, sa suporta, at sa pagkakaibigan. At sa pagpayag maaligaga kahit alas-tres ng umaga at OA na kami. Kay Tetel, Mace, KE at sa Team Bugsy. Salamat sa tiwala. (Enter "High School Life.") Kay Lakay. Oy. Kay Leo. (*Wala akong masabi. Naka-ilang type at backspace na'ko.*) Bleh. (Kung may makalimutan, ieedit balang araw. Hindi naman ito ipapa-bind.) |
| tons April 25, 2006 07:45 PM PDT oy, mace at ke. naks im tats din. ke, sabi mo yan a. hehe. | ||
| Name KE April 24, 2006 03:13 AM PDT oist! waw, im tatsd. :) mabuhay ang mga pelikula mo! pramis, pagtanda ko at pagyaman ko, magpoproduce ako ng pelikula mo...basta ba ako ang mead actress! hahahaha! joke lang, kahit di ako lead, kahit supporting lang. hahaha! galing mo! | ||
| mace April 11, 2006 10:38 PM PDT yihee Pinakamagandang Pelikula | ||
| Leave a Comment: |